ABS-CBN's BUD Brothers TV Dream Cast



Dear ABS-CBN,

Ako po at ang iba pang RoseTanians ay nag tipon-tipon upang bumuo ng Dream Cast for your next teleserye hit, The Bud Brothers. Ang aming dream team po ay as follows

 Book 1: STUPID CUPIDS

JERICHO ROSALES as Vicente Banaag at KC CONCEPCION as Georgina Yulo.

Yung VINCE-GEORGIE tandem po kasi parang ang sosyal at ang simpleng magsasaka. Kaya po sana marinig ito ng ABS-CBN. Kasi po parang walang makakaisip na pag-team up in si KC at Jericho dahil ang random talaga. But that's what the characters calls for. Kung iisipin niyo naman po ay pumatok na ang ganyang team up noong araw. Wala ring nakaisip na pag-partnerin si Sharon Cuneta at Robin Padilla sa isang movie pero pumatok po sa box office ang MAGING SINO KA MAN. Dahil bagay po sila sa roles nila. Ganun din po ang tingin namin sa Jericho & KC love team. Hindi nga lang po bad boy si Vince/Jericho.

 

Book 2: My Golly, Wow Betsy!


SARAH GERONIMO as Betsy Panganiban & PIOLO PASCUAL as Wayne Alban.

Simple lang po ang rason namin sa tandem na ito. Kasi po si Piolo ay magaling mag-drama. Sa lahat po ng Bud Brothers si Wayne lang po ang may drama. Bagay rin po kay Piolo ang  mga roles na tipong Tall, Dark, Handsome & Mysterious ang character. Si Sarah naman po ay magaling sa comedy at pang-masa po talaga. Kami pong mga tunay na fans ng Bud Brothers Series ay naniniwala kaming kayang gampanan ni Sarah Geronimo ang funny role ni Betsy.

 

Book 3: Tail You Lose, Head You're Mine


 

BEA ALONZO as "Tammy" and JOHN LLOYD CRUZ as "Pete"

Hindi po namin sila pinag-pareha dahil magka-"love team" na sila. Katulad po ng sabi namin noon, talaga pong pinag-papareho namin ang mga artista based on how they fit the characters. Nagkataon lang po na pareho silang nababagay sa role nina Tammy at Pete. Magaling po na actor si John Lloyd at naniniwala kaming fans na kaya niyang i-portray ang slightly complex character ni Pete (masungit na mabait na mama's boy). As for Bea naman po, kayang-kaya niya pong iportray ang pagiging "baliw" ni Tammy. Si Betty nga po eh, on the spot talaga ang portrayal niya..si Tammy pa kaya? Isang factor rin po kung bakit si Bea ang "Tammy" para sa amin ay dahil may chemistry din po siya kay Luis (who we have chosen to play D-ick):

 

 At sana po katulad nang sa books yung D.i.c.k.-Tammy-Pete love triangle. Sa books po kasi hindi ganoon ka obvious na in love si D.i.c.k. kay Tammy, parang mapapa-isip lang po kayo as you read the book. Tapos na-confirm lang namin na talagang in love nga si D.ick kay Tammy sa dulo ng libro. Sana po makuha yung right amount of love triangle para hindi nakakabad-trip (sana wag masyadong i-drag, after all, the book is about Tammy & Pete's love story). Kasi po, ang role lang naman po ni D.ick sa book ay nandoon lang siya sa love triangle para matauhan si Pete. Saka mas nakakakilig po kasi yung ganoon.

 

Book 4: Red Roses For A Blue Lady

RYAN AGONCILLO as Carlo Domingo and PHOEMELA BARRANDA as Coco Artiaga

Heto po ang pinaka-favorite ko out of all the books in the series simply because the story is just so unique. Medyo nahirapan po kami maghanap ng artista na magpoportray sa role ni Coco. Kasi po one of the cutest and unforgettable thing about the Carlo-Coco love team is the height non-issue.

Sabi ko po noon si Luis ang gusto ko sa role ni Carlo kaso po, the other fans told me na hindi daw maari dahil masyadong matangkad. Si Ryan Agoncillo na lang daw po sa role ni Carlo kasi po talented naman si Mr. Agoncillo saka napanood po siya ng mga kasama ko sa MMK may role po siya doon na kamukha ng role ni Carlo, pang-masa talaga.. kaya carrying carry niya talaga po yung role ni Carlo Domingo. I've seen the clips and I agree with them.

As for Phoemela naman po, ang hirap maghanap ng Filipina actress na over 5'6 1/2 (Ryan Agoncillo is  5'6 1/2)! Si Phoemela lang po ang nakita namin kahit na she's only 5'8 pwede na po sa amin yun. 2 inches is better than nothing! Saka pwede naman pong mag-heels siya while filming para mas ma-emphasize pa yung height difference nila ni Carlo.

I really really love this book. And I know I'm not the only one. Marami pong may favorite kay Carlo dahil nga po he is not your typical paperback hero. At kahit ganoon ay nakaka-in love pa rin siya!

Heto po yung height list ng mga Bud Brothers na napili namin:

Vince/Jericho = 5'11
Wayne/Piolo = 5%u2032 10 1/2%u2033
Carlo/Ryan = 5'6 1/2
Pete/John Lloyd = 5'11
Ed/Zanjoe = 6' (take note, taga-Batangas siya talaga)
Rei/Deither = 5'10
Monty/Sam = 5'11
D-ick/Luis = 5'11

Maganda po dahil halos magkakasingtakad ang mga bud brothers. Talaga pong mas kapani-paniwala na nagkakilala sila sa college fraternity.

Book 5: He's The One

ANGEL LOCSIN as Hiromi "Lady Picachu" Santa Maria & ZANJOE MARUDO as Dr. Ed Lacson

Another random pairing po pero papatok po itong team up na ito. Kasi po just like the Jericho-KC team up, it's what the characters calls for. Si Dr. Ed Lacson po ay ang nag-iisang PhD holder na mukhang BOLD STAR at habulin ng mga matrona at bakla. No offense po kay Mr. Marudo pero mukha po siya talagang sexy star (in a good way!) kaya po sa tingin po naming mga fans ay babagayan siya talaga ng role na ito. Kahit naman po mukhang BOLD STAR si Doc Ed ay matalino naman!

As for Angel naman po, ang role po kasi ni Hiromi ay masungit na mukhang hapon (kaya po  "Lady Picachu" ang tawag sa kanya ni Dr. Lacson). At the beginning of the books, talaga pong masungit siya at diring-diri kay Ed (dahil nga po parang macho dancer daw). Opposite attracts nga daw po kaya maganda po ang chemistry ng dalawang characters na ito.

Book 6: Pepper's Roses

DIETHER OCAMPO as Reynaldo Arambulo a.k.a. Rei at TONY GONZAGA as Peppermint Nuque a.k.a. Pepper

Another pairing po based on how well the actors will fit the role. Yung pong character ni Rei ay very Type A. Mr. Ocampo is a very versatile actor plus he is also very good looking which we think will give the bland personality of Rei a little more life. Magaling po si Diether umarte kaya feeling po namin ay mabibigyan niya ng justice ang character ni Rei. Si Rei po kasi yung tipong super boring pero super adorable pa rin (nagiging romantic---as in nagiging Balagtas---po siya kapag in love). Kabaligtaran naman po ni Rei ang character ni Pepper. Kung gaano po ka-perfectionist at ka O.C. si Rei ay baligtarin niyo na lang at makukuha niyo na po ang character ni Peppermint. In the books, para po silang aso at pusa dahil laging nag-aaway. Tony is also a very good actress and comedienne. Isa po si Pepper sa pinaka-weird and funniest female heroine ni Rose Tan. The fans feel she will be able to portray the eccentric/funny side of this character really well.

 

 Book 7: Once In A Lifetime Love



ALESSANDRA DE ROSSI as "Sabel" and SAM MILBY as "Monty"

Another random pairing. Para pong wala talagang makakaisip na pagpartnerin sina Alex & Sam sa isang teleserye kundi kaming mga fans. Sabel is described as being really skinny and morena. Physically, talaga pong si Ms. De Rossi ang nababagay sa character.Talented rin po si Alessandra at naniniwala po kaming mga fans na she can portray Sabel & her eccentricities. Half Spanish naman po si Monty. His mother is from Madrid. Kaya mestizo po siya. Physically, si Mr. Milby po ay talagang nababagay sa character na ito.Talented din po si Sam at naniniwala kaming kaya niyang i-portray ang pagiging sosyal na palikero ni Monty. Together, kahit po parang ang random talaga ng tandem sigurado po kaming mabibigyan nila ng justice ang characters therefore creating a very believable chemistry.

 

Book 8: Bewitched, Bothered, Bewildered


NIKKI GIL as Ginger "the pretty albularya" at LUIS MANZANO as D.i.c.k. (nacecensor po eh) "ang lalaking may bottomless intestines"

Napag-isip isipan ko rin na mas bagay nga po kay Mr. Manzano yung role ni D.i.c.k. lalo na po nung makita ko itong picture na ito (yung may ice cream). Yung character po kasi ni D.i.c.k. ay very sporty kahit matakaw. In the book, athlete po ng SEA games si D.i.c.k. Kaya po talagang babagay itong role kay Mr. Manzano. At sa mga characters po sa books sina Carlo at D.i.c.k. ang super nakakatawa talaga. Kaya po sana matupad itong dream cast namin cause we cannot imagine anyone else doing justice to these characters.

 

ANG AMING TANGING HILING

Sana po wag po nating pairalin kung ano ang "uso" na love team sa ngayon para sa cast ng Bud Brothers Series. Kung tutuusin po ay hindi naman talaga random ang pairings ng mga artista na pinag-partner namin for the books. We based our decision on the fact that these actors FIT the roles so well it would be impossible for them not to have any kind of chemistry with each other. Kung sa book nga po, napaka-opposite din ng mga leading characters pero naging BEST SELLERS. Ito pa po kayang TV Adaptation? Eh mas marami pong tao na nonood ng TV kaysa nagbabasa ng libro!

Isipin niyo na lang po, kung i-teateam up niyo po sina Jericho at KC, Sarah at Piolo, Angel at Zanjoe, Nikki at Luis.. marami ang ma-cucurious lalo na ang mga tao na hindi pa nakakaalam ng book series na ito. This would be something NEW. Something DIFFERENT from the rest of the teleseryes out there. Romantic Comedy po ang The Bud Brothers Series. Kung baga pang-masa po talaga. It has the same formula as the Boys Over Flowers of South Korea (na naging BIG HIT din po doon at sigurado po ako magiging HIT din sa Pilipinas. Congratulations po sa nakaisip na kunin ang rights to broadcast the drama sa ABS-CBN). Good looking TALENTED lead actors, Humor, Great Love Story na may konting drama (Book 2 & a little bit on Book 4). Ganoon lang po ang kailangan niyo para ma-addict ang mga tao. Matanda man po o bata, basta babae. Maaddict po diyan. Pagsamahin po ba si Piolo at Jericho at Diether sa isang teleserye kung saan silang tatlo ay mga bida? Tapos yung comedy po makaka-pull ng mga male viewers (alam ko po dahil may mga kakilala akong lalaki na nagbabasa ng Bud Brothers dahil nga po nakakatawa yung books).

At sana rin po ay may mga scenes ang bud brothers together. Katulad po ng sa book, kahit na naka-focus ang isang book sa isang love story, nag-jujump ung mga characters sa mga libro. Kailangan rin po un sa plot dahil yung story ni Book 3 at Book 8 ay may connection. **spoiler** D.i.c.k. was in love with Tammy who ended up with Pete. Super kinilig po ako dun! Nagsuntukan pa sila eh! haha..

 

ANYWAY, GOOD LUCK PO ABS-CBN! YOU'RE MY FAVORITE TV STATION (we're a subscriber in TFC) AND I'M REALLY HAPPY MY FAVORITE BOOK SERIES WILL BE A TELESERYE IN YOUR TV STATION. THANK YOU!!

 

Yours sincerely,

your BUILT-IN Audience, the FANS

(die hard fans po talaga. yung tipong kapag maganda po ang production ng book-tv adaptation ay kahit 10,000 pong commercials araw-araw ay ayos lang sa amin just to see the characters we have imagined in our heads for so long---finally be brought to life on TV)

The fans: http://www.rosetanonline.proboards53.com/index.cgi?board=media2&action=display&thread=303&page=2


TO THE FANS: Kung nagustuhan niyo ang aming "love teams", please sign up! And spread the word! Mas maraming signatures, mas maririnig ito ng ABS-CBN. Salamat mga katoto!
Dear ABS-CBN,

Sana po mabasa niyo ito. Marami po kaming fans na umaasa na matutupad ang aming Dream Cast for your next teleserye hit "The Bud Brothers". Good Luck po and thanks for checking it out!
assinar petição
assinar petição
O seu JavaScript está desativado. Sem ele, nosso site pode não funcionar corretamente.

política de privacidade

ao assinar, você aceita o termos de serviço da Care2
Você pode gerenciar suas assinaturas de e-mail a qualquer momento.

Está tendo algum problema?? Avise-nos.