MAHARLIKANG PAGLAYA, "Mapayapang Rebolusyon ng Mamamayan para sa Inang Bayan at Kalikasan"

Sa napakatagal na panahon at sa kabila ng patuloy na pangako ng mga pulitiko sa bawat halalan ay tila walang nababago.  Patuloy na naghihirap ang ating mga mamamayan.  Dumarami ang walang makain, walang tirahan, walang trabaho, at hindi makapag-aral.  Dumarami rin ang nabubulid sa krimen at nagiging biktima nito.  Patuloy na nawawasak ang kalikasang dapat sana ay ating pinangangalagaan.  PAPAYAG BA TAYONG MAGPATULOY ITO?

Nananawagan ako at ang lahat ng handang sumama alang-alang sa bayan ng isang MAPAYAPANG REBOLUSYON NG MAMAMAYAN PARA SA INANG BAYAN AT INANG KALIKASAN!

Nananawagan ako ng inyong pakikiisa para sa MAHARLIKANG PAGLAYA!

(Despite tons of promises during every elections in the Philippines nothing have really changed.  The Filipino people continues to languish in poverty.  There are those who don't have food to eat, are jobless and cannot even get a descent education.  Many people resort to become criminals and more are just victims.  The Philippine environment is being destroyed which all of us should have protected.  SHOULD WE ALLOW THESE THINGS TO CONTINUE?

I and all the others who are ready and willing to take the challenge and take action to join in a PEACEFUL REVOLUTION OF THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES FOR THE COUNTRY AND FOR THE ENVIRONMENT!

We are asking you to joins us in this MAHARLIKANG REBOLUSYON!)

 

114 taon na ang nakakaraan simula ng Unang Sigaw sa Pugadlawin na nagdeklara ng Rebolusyon ng Katipunan.  112 taon na ang nakakaraan ng bigyan tayo ng kalayaan na hanggang ngayon ay tinatanong natin kung malaya nga ba tayo.  Ngayon, 2010 PANAHON NA PARA SA MAHARLIKANG PAGLAYA!

Sa napakatagal na panahon at sa kabila ng patuloy na pangako ng mga pulitiko sa bawat halalan ay tila walang nababago.  Patuloy na naghihirap ang ating mga mamamayan.  Dumarami ang walang makain, walang tirahan, walang trabaho, at hindi makapag-aral.  Dumarami rin ang nabubulid sa krimen at nagiging biktima nito.  Patuloy na nawawasak ang kalikasang dapat sana ay ating pinangangalagaan.  PAPAYAG BA TAYONG MAGPATULOY ITO?

Nananawagan ako at ang lahat ng handang sumama alang-alang sa bayan ng isang MAPAYAPANG REBOLUSYON NG MAMAMAYAN PARA SA INANG BAYAN AT INANG KALIKASAN!

Nananawagan ako ng inyong pakikiisa para sa MAHARLIKANG PAGLAYA!

Paglaya sa kahirapan upang marating natin ang isang masaganang buhay sa hinaharap.

Paglaya sa walang katarungang pamahalaan at pamamalakad.

Paglaya sa patuloy na pag-asa sa trabaho sa ibang bansa.

Paglaya sa kawalang pag-asa.

Paglaya sa walang humpay na digmaan.

Paglaya ng kaisipan upang sa wakas ay maging nagkakaisa ang mga Kristiyano, Muslim, Lumad, Katutubo at irespeto ang ating pagkakaiba at gawing lakas ang ating pagkakapare-pareho.

Isang paglaya upang makilala ang tunay nating sarili at maabot ang pinakamataas nating adhikain para sa kapakanan ng bawat mamamayan at sa kapakanan ng mundo.

ITO NA ANG PANAHON!

Dumating na ang isang lider na hindi sa atin mamumuno lamang kundi gagabayan tayo at sasamahan upang sa wakas ay lumaya na tayo... at upang sa wakas ay magkaroon ng isang NAMUMUNO NA MAGLILINGKOD AT HINDI MAGHAHARI SA ATIN.

Ito ang buod ng paniniwala ko kay Nicanor "Nick" Perlas.  Si NICANOR PERLAS at ang kanyang laban ay LABAN PARA SA PAGLAYA!

Samahan natin siya sa labang ito sapaka't tulad nating lahat ang tanging hangad niya ay para sa kabutihan ng lahat.

TAMA NA SA PANGAKO! 

Panahon na upang TUPARIN ANG MGA PANGAKO!

Ito ang laban ko at sana ay LABAN MO RIN!

Nangangako ako at ang iba pang narito na tutulungan ang bayan at ang bawat mamamayan upang maging instrumento sa tunay na makabuluhang pag-unlad ng bansa.

Nangangako ako at ang iba pang narito na ipagtatangol ang kalikasan at tutulungang mapayabong ulit ito.

Nangangako ako at ang iba pang narito na gagawin ang lahat sa ikagaganda ng aming Inang Bayan at Inang Kalikasan.

Makiisa sa MAHARLIKANG PAGLAYA, "Mapayapang Rebolusyon ng Mamamayan para sa Inang Bayan at Kalikasan".

Lumagda sa ONLINE PETITION NA ITO.

Ako po si David D'Angelo, isang karaniwang tao na kagaya ninyo.

Ako ay handa na sa ating paglaya.

IKAW BA HANDA KA NA?

 

Sign Petition
Sign Petition
You have JavaScript disabled. Without it, our site might not function properly.

Privacy Policy

By signing, you accept Care2's Terms of Service.
You can unsub at any time here.

Having problems signing this? Let us know.